Linggo, Hulyo 12, 2009
Patungkol sa Bayan at sa ating mga kabayan 1
DYANITOR PLS.
ni Madaket Millie(andy kelly baring)
Patuloy na kahirapan sa kanila'y isinusumbat
kawatan ng bayan ipinipilit itatak
sa bawat biktimang hinihikayat
na patuloy na sikilin ang mga katulad ni ERAP
Mabagal na pag-asenso at makupad na pag-usad
sila ang may kasalanan at dapat magbayad
sarili'y pilit inihihiwalay sa lambat
at 'di raw kasali sa anomalyang nagaganap
galit sa sistemang bulok at ayaw na sa 'Pinas
ang daliring nandurong sa kasalanan ay ligtas
milagrong ewan sa langit hinihiling na bumagsak
ngunit walang ginagawang hakbang para ito'y matupad.
Ikaw at ako na ginagawang pamunas ang watawat
ay dapat nang linisin ang bawat kalat
ng ating bayang patuloy na isinasadlak
ng kamangmangan at katangahan nating lahat.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Maki-isa ka
- PAGKAMULAT
- Philippines
- Kung nais magpadala ng inyong kontribusyong akda o obra maari ninyong isumite sa e-mail ad na ito: mulatmanunulat@yahoo.com
Archive sa Blog
-
▼
2009
(27)
-
▼
Hulyo
(23)
- BUHAY BUHAY 7
- BUHAY BUHAY 6
- BUHAY BUHAY 5
- BUHAY BUHAY 4
- BAGONG TAON
- BUHAY BUHAY 3
- RELIHIYON at PANINIWALA
- TRAHEDYA/KALAMIDAD atbp.
- BUHAY BUHAY 2
- Halalan 2
- Manggagawa 2
- Kabayan Sa Ibang bayan 3
- Patungkol sa Bayan at sa ating mga kabayan 1
- Kabayan Sa ibang bayan 2
- Katarungan 2
- Kabayan Sa ibang bayan 1
- Halalan 1
- KaLaYAAN 2
- Buhay-buhay 1
- SA KALSADA
- PASADA
- manggagawa
- Tungkol sa CON-ASS
-
▼
Hulyo
(23)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento